Umabot na sa 38 serye ng mga cloud seading operation ang naisagawa sa malaking bahagi ng Visayas dahil sa tumitinding tagtuyot o Super El Nino.
Ang mga naturang operasyon ay magkakasamang isinagawa ng Department of Agriculture (DA), Bureau of Soils and Water Management (BSWM), at ng Philippine Air Force (PAF) na pangunahing naglaan ng air assets.
Malaking bahagi nito ay isinagawa sa iba’t-ibang lugar sa Western Visayas at Negros Island Region (NIR).
Ang halos 40 operasyon ay isinagawa sa loob ng 28 operational days at 52 oras ng paglipad o flights.
Isinasagawa ang mga serye ng cloud seeding operation sa hangaring mapataas ang posibilidad ng pag-ulan sa mga lugar na kulang ng suplay ng tubig, lalo na sa mga palayan at sa mga komunidad na ang pangunahing kabuhayan ay pagsasaka.
Ginagawa ito dahil sa tumitinding epekto ng tagtuyot na inaasahan pang lalong lalakas sa mga susunod na lingo.
Umabot naman sa 11,400 kilo ng vacuum sodium chloride (NaCl) ang ginamit bilang materyales sa cloud seeding.














