Iginiit ni defense team spokesperson Atty. Michael Poa na hindi dapat magbigay ng konklusyon ang isang testigo sa korte, eksperto man ito o ordinaryong saksi.
Matapos ang ika-38 araw ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, tinanong si Poa tungkol sa testimonya ni financial forensic analyst Atty. Alexander Cabrera, na nagsuri sa mga financial record ni Duterte at ng asawang si Atty. Manases Carpio mula 2022 hanggang 2025.
Ayon kay Poa, maaaring maglahad ng propesyonal na opinyon ang isang expert witness batay sa kaniyang specialized na kaalaman.
Gayunman, nilinaw ng abogado na magkaiba ang opinyon at konklusyon.
Dahil dito, iginiit ng depensa na ang mga pahayag at pagsusuri ni Cabrera ay dapat timbangin ng mga senator-judge batay sa mga ebidensiyang iniharap sa paglilitis.















