Inanunsiyo ng Quezon City government na kanilang tuluyan ng binuwag ang Task Force Disiplina.
Kasunod ito sa pagkakasangkot ng isang miyembro na nakabaril sa tatlong katao.
Inatasan na rin ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang mga miyembro ng task force na bumalik sa kanilang mother unit ang Department of Public Order and Safety (DPOS).
Dagdag pa nito na para manatili sa DPOS ang mga dating miyembro ng Task Force Disiplina ay sasailalim sa background check, neuropsychological examination, drug test, ganun din ay dapat sila ay magsumite ng NBI at police clearance.
Paglilinaw din nila na walang inisyu ang QC Government ng mga armas o baril sa mga miyembro ng task force.
Hinikayat nila ang publiko na isumbong sa kanilang opisina ang sinumang magpapakilalang Task Force Disiplina na magroronda pa sa kanilang barangay.














