Nakatakdang bumili ang Pilipinas ng anim na bagong Boeing CH-47 Chinook heavy-lift helicopters.
Ang $2-billion military financing package para sa Philippine Air Force (PAF) ay unang inanunsiyo ni US President Donald Trump noong bumisita siya dito sa Pilipinas.
Sinabi ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr na ang nasabing mga helicopters ay maaaring ideliver sa taong 2029.
Dagdag pa ni Teodoro na ang nasabing mga helicopters ay brand new.
Kasama sa package dito ay ang pagsasanay at integrated logistics supports.
Ito ay apat na beses na mas malaki kumpara sa PZL Mielec S-70i Black Hawk.
Kaya aniya nitong buhatin ang mga kanyon at sasakyan na may sakay na mga pasahero.
Magugunitang inanunsiyo ng US noong nakaraang linggo ang multibillion-dollar deal sa Pilipinas kabilang ang Foreign Military Financing loan package ng mahigit $2-bilyon.
Nakuha ito sa dalawang araw na pagbisita ni Trump sa Pilipinas noong dumalo ito sa 49th ASEAN Summit.
















