-- Advertisements --
Arestado ng Philippine National Police (PNP) ang dalawang Korean national na pinaghahanap ng mga awtoridad sa South Korea dahil sa umano’y pagkakasangkot sa telecommunications-based financial fraud at aggravated economic fraud.
Ayon sa PNP, naaresto ang dalawa sa Sabella Village, Barangay Panungyanan, General Trias City, Cavite sa operasyon ng Provincial Intelligence Unit ng Cavite Police Provincial Office, katuwang ang Bureau of Immigration.
Kapwa subject ng INTERPOL Red Notice ang mga suspek kaugnay ng mga kasong paglabag sa batas ng South Korea.
Matapos ang kanilang pagkakaaresto, dinala ang dalawa sa Bureau of Immigration sa Maynila para sa kaukulang deportation proceedings.















