-- Advertisements --

Magpapakalat ang Philippine National Police (PNP) ng mahigit 6,000 pulis sa Metro Manila para tiyakin ang seguridad at umalalay sa mga commuter sa dalawang araw na transport strike bukas Nobyembre 23–24, 2026.

Bilang bahagi ng paghahanda, maglulunsad ang National Capital Region Police Office (NCRPO) ng Libreng Sakay gamit ang police buses, trucks at vans sa Baclaran, Paco at Nagtahan sa Maynila, Caruncho Avenue sa Pasig City, at South Caloocan.

Ayon kay PNP Chief Police General Jose Melencio C. Nartatez Jr., layunin nilang matulungan ang mga commuter na makabiyahe habang iginagalang ang karapatan ng mga transport worker na magsagawa ng mapayapang protesta.

Makikipag-ugnayan din ang PNP sa MMDA at mga lokal na pamahalaan upang mapanatili ang kaayusan sa mga pangunahing kalsada at terminal.

Inatasan naman ang mga pulis na pairalin ang maximum tolerance at propesyonalismo sa buong panahon ng transport strike.