-- Advertisements --

Niyanig ng magnitude 5.6 na lindol ang karagatan malapit sa Balut Island, Sarangani, Davao Oriental nitong Linggo ng hapon, Nobyembre 22, dakong alas-3:54.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), wala pang naitatalang pinsala o nasawi kaugnay ng pagyanig.

Nagbabala rin ang ahensya na posibleng makaranas ng mga aftershock kasunod ng lindol