Tiniyak ng Iran na gagawin nila ang lahat ng mga makakaya para makontra ang ipinatupad na blockade o pagharang ng US sa kanilang mga pantalan.
Una ng ipinatupad ng US ang blockade noong Abril 13 at ito ay muling inalis noong Hunyo matapos na magkaroon ng draft ng kasunduan ng US at Iran.
Pagdating naman ng Hulyo ay muling ipinatupad ang blockade dahil sa nabigo ang pagpapatupad ng kasunduan.
Ayon pa sa Iranian Ministry of Foreign Affairs na hindi nila hahayaan na mamayagpag ang nasabing kalakalan at kanilang gagawin ang lahat ng makakaya para makontra ang agresibong hakbang na ito ng US.
Itinuturing nila ito bilang isang military aggression laban sa Iran.
Nagsimula ang labanan noong Pebrero 28 ng ataikihin ng US at Israel ang Iran at napatay nila ang kanilang Supreme Leader.
Lumawak pa ang labanan matapos na maglunsad ang Iran ng missiel at drone strike sa rehiyon kasama ang ilang armed groups ng Lebanon, Yemen at Iraq.
Naging sentro ng Iran ang Strait of Hormuz kung saan kanilang hinarangan ito at inaatake ang mga dumadaan doon.
Para mapressure ng US ang Iran na buksan ang Strait of Hormuz ay kanilang hinarangan ang mga pantalan ng Iran para hindi makapasok ang anumang barko na may kargang sangkap sa paggawa ng nuclear weapon.















