-- Advertisements --

Iniutos ng Office of the Ombudsman ang pagsasampa ng kasong graft laban sa tatlong dating opisyal ng Land Bank of the Philippines (LandBank) at isang negosyante dahil sa umano’y iregularidad sa pag-apruba at renewal ng mga pautang sa American Boulevard Trading Corporation (ABTC).

Kabilang sa mga inireklamo sina dating First Vice President Lolita Silva, dating Assistant Vice President Danilo Dayanghirang, dating Account Officer Ronaldo Robles, at ABTC Chairman Alberto Ching.

Batay sa imbestigasyon, nagkaroon umano ng paglabag sa mga patakaran sa pagpapautang ng bangko, kabilang ang paggamit ng loan proceeds sa ibang layunin at pag-renew ng mga pautang kahit may mga overdue account.

Umabot sa P141.3 milyon ang hindi pa nababayarang obligasyon ng ABTC sa LandBank.

Ayon sa Ombudsman, may sapat na paunang ebidensiya upang sampahan ang apat ng kasong paglabag sa Section 3(e) ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act o Republic Act No. 3019.