Inamin ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) na nagkakaroon na ng mga pagbabago ang ilang mga lawless elements para mang-enganyo sa mga kabataan para gumawa ng krimen.
Ayon kay Integrated Communications Operations Center (ICOC), National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) Director Jose Joel Sy-Egco, na dahil sa pagsulpot ng mga makabagong teknolohiya ay sinasamantala ng ilang grupo para makahikayat ng mga mag-aaral na manghahasik ng kaguluhan.
Inihalimbawa nito ang ilang mga insidente ng pamamaril ng mga mag-aaral sa loob ng kanilang paaralan.
Mahigpit na ang ugnayan nila sa iba’t-ibang mga ahensiya para tuluyang masugpo ang nasabing mga gumagawa ng krimen na kadalasang mga biktima ay mga menor-de-edad na mga mag-aaral.
Isa sa mga ginagawa nila ay ang pag-iikot sa mga paaralan para paliwanagan ang mga mag-aaral ukol sa recruitment ng ilang mga grupo.















