-- Advertisements --
Nagsagawa ang Philippine Coast Guard (PCG), katuwang ang lokal na pamahalaan ng Sual at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), ng clearing operations laban sa mga hindi awtorisadong fish cages sa Calpay Shoal, malapit sa Cabalitian Island, Sual, Pangasinan.
Ayon sa PCG, nasa 132 ilegal na aquaculture units ang natukoy noong Setyembre 2026, na nagresulta sa pagpapalabas ng kautusang alisin o ilipat ang mga ito sa itinalagang Sual Mariculture Zone.
Nagsampa rin ng reklamo ang mga lokal na mangingisda dahil umano sa kawalan ng kaukulang permit at environmental clearance ng mga operator. Inaalam din ng PCG, katuwang ang Bureau of Immigration at BFAR, ang ulat tungkol sa posibleng pagmamay-ari ng mga pasilidad ng mga dayuhan.















