-- Advertisements --

Mahigit P431 milyong halaga ng mga nakumpiskang ilegal na droga ang sinira ng Police Regional Office 7 (PRO7) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 7 noong Nobyembre 26, 2026, sa Cebu City.

Kabilang sa mga winasak ang 63.44 kilo ng shabu, 1.05 kilo ng marijuana, mga expired na gamot at iba pang mapanganib na droga. Kasama rito ang 41 kilo ng shabu na nasamsam sa isang operasyon sa Barangay Mabolo noong Oktubre 10, 2026.

Binigyang diin ng Philippine National Police na mahalaga ang naturang aktibidad upang matiyak na maayos na naitatala at naitatapon ang mga nakumpiskang droga, at maiwasan ang posibilidad na muling makapasok ang mga ito sa ilegal na kalakalan.