-- Advertisements --

Nilinaw ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano na ang kanyang panukalang boluntaryong P170,000 na ambag para makatulong sa pagbabayad ng utang ng bansa ay nakatuon lamang sa mayayamang Pilipinong may kakayahan at kusang-loob na magbigay.


Ayon kay Cayetano, hindi ito sapilitan at hindi inaasahang mag-aambag ang bawat Pilipino, lalo na ang mga ordinaryong manggagawang may limitadong kita.


Sa kanyang pagtaya, kung isang porsiyento ng pinakamayayamang Pilipino ang magbibigay ng tig-P170,000, posibleng makalikom ang pamahalaan ng halos P200 bilyon.


Batay sa datos ng Bureau of the Treasury, umabot na sa P19.66 trilyon ang utang ng pambansang pamahalaan noong katapusan ng Setyembre 2026, katumbas ng humigit-kumulang P170,598 kada Pilipino.