-- Advertisements --

Nasa mahigit 980,000 kabahayan ang nawalan ng kuryente habang daan-daang flights ang nakansela dahil sa malakas na bagyong nanalasa sa silangan at kanlurang bahagi ng United States kasabay ng pagdiriwang ng Thanksgiving.


Pinakamatinding naapektuhan ng pagkawala ng kuryente ang Pennsylvania, Virginia, Maryland at New Jersey. Nagdeklara rin ng state of emergency ang mga gobernador ng New Jersey at New York dahil sa malawakang pagbaha at mapanganib na kondisyon ng panahon.


Sa New York City, ipinagpaliban sa Sabado ang taunang Macy’s Thanksgiving Parade dahil sa masamang panahon. Nagsara rin ang ilang tulay sa Maryland, at naapektuhan ang operasyon ng mga paliparan at tren dahil sa malalakas na hangin at pagtaas ng tubig-dagat.


Samantala, nagbabala ang National Weather Service (NWS) sa posibleng pagbaha sa kanlurang baybayin, partikular sa California, dahil sa sunod-sunod na Pacific storms at mataas na daluyong.


Dahil sa lawak ng pinsala, sinabi ni Pangulong Donald Trump na maaari niyang pag-aralan ang pagpapalabas ng emergency funds para sa mga apektadong lugar.