-- Advertisements --

Nawalan ng kuryente ang ilang probinsiya sa Luzon simula pa nitong gabi ng Linggo sa gitna ng pananalasa ng Super Typhoon Uwan.

Ayon sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), kabilang sa mga probinsiyang nakapagtala ng power outages ay sa parte ng Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Pampanga, Baguio City, Benguet, Zambales at Abra.

Ilan sa mga dahilan ay ang pag-trip o aberya sa transmission lines sa mga nabanggit na lugar dahil sa pagdaan ng bagyo.

Samantala, ngayong araw ng Lunes, Nobiyembre 10, naibalik na ang serbisyo sa ilang power transmission sa ilang parte ng Isabela, ilang parte ng Baguio City at Benguet, ilang parte ng Batangas at bahagya namang naibalik na ang serbisyo sa power transmission sa ilang parte ng Tarlac at Quezon Province.

Iniulat din ng NGCP na naibalik na ang power transmission services sa Pampanga at ilang parte ng Batangas at sa Visayas naman naibalik na sa southern part ng Cebu Province at ilang parte ng Bohol.