-- Advertisements --
Patuloy ang isinasagawang monitoring ng National Grid Corporation of the Philippines sa lahat ng kanilang transmission lines .
Layon nito na matiyak na nasa maayos na kalagayan ang lahat ng linya ng kuryente dahil sa pananalasa ng bagyong Basyang.
Kagabi kasi ay naapektuhan ng malakas na hangin at ulan na dulot ng bagyo ang kanilang linya sa Southern Leyte kagabi.
Naapektuhan rin ng pananalasa ng bagyo ang Maasin- San Isidro 69 kilovolt line at Placer-Madrid 69kV Line.
Bilang tugon ay kaagad namang nagpadala ang NGCP ng tauhan upang kumpunihin ang nasirang linya.
Agad namang naibalik sa lugar ang suplay ng kuryente.
















