-- Advertisements --

Inihayag ni defense spokesperson Atty. Michael Poa na iginagalang nila ang desisyon ng House prosecution na hindi na ituloy ang Article III ng impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte, na tumatalakay sa umano’y bribery.

Ayon kay Poa, prerogatiba ng prosecution ang magpasya kung itutuloy o bibitawan ang isang artikulo ng impeachment complaint.

Nang tanungin kung maituturing itong “small win” para sa depensa, tumanggi si Poa na tawagin itong panalo.

Aniya, hindi nila nais angkinin ang anumang credit dahil desisyon lamang ito ng prosecution na bitawan ang nasabing artikulo.