Sinampahan na ng kaso ng federal grand jury sa Los Angeles si Thomas Markle ang ama ni Meghan, Duchess of Sussex.
Ito ay may kaugnayan sa pagkakakumpiska sa kaniya ng mga child sex abuse images.
Kasalukuyang nasa kustodiya sa Florida dahil sa pagkakakumpiska sa kaniya ng mga pornographic materials na pawang mga kababaihan.
Noong nakaraang linggo ay idineklara ng isang judge sa Florida na mentallycompetent ang father-in-law ni Prince Harry.
Inaresto ng FBI si Markle noong Nobyembre 6 sa elderly care home sa Florida dahil sa kasong two counts.
Sinabi naman ni US attorney Bill Essayli na sakaling ma-convict si Markle ay makukulong ito ng hanggang 20 taon.
Ang kaniyang pagkakaaresto ay matapos na makuha ng mga otoridad sa storage unit nito na kaniyang nirentahan sa Los Angeles ng halos dalawang dekada ng mga materyales ng pang -aabuso.
Sa pagbasa ng sakdal na iniahain ng US Attorney’s Office sa Central District ng California, na ang akusado na si Markle ay kilalang nag-may-ari ng 35mm na mga film negatives noong Oktubre 30 at Nobyembre 4 na naglalaman ng mga child sexual abuse materials.
Pansamantalang nakalaya si Markle dahil sa conditional bail at ito ay muling ikinulong dahil habang nakabinbin ang pagdinig matapos ang tangkang pagtanggal nitong location monitoring device na nakakabit sa kaniya.














