-- Advertisements --

Inanunsiyo ng limang European Union na bansa ang pagbubukas nila ng migrant deportation center sa Rwanda sa susunod na taon.

Ayon sa Dutch at Danish government na ang mga bansa ay kinabibilangan ng Germany, Denmark, Austria, Greece at the Netherlands.

Sa susunod na taon ay handa ang nasabing mga bansa na tumanggap ng mga migrants.

Ang nasabing sistema ay magiging epektibo sa mga migrants na iligal na nananatili sa kanilang bansa at nakatakdang i-deport.

Dahil dito ay magbibigay ang Dutch government ng alternatibo kung sakaling ang mga deportees ay hindi makabalik sa mga bansang pinanggalingan.

Ang mga deportees ay maaaring humalo sa Rwandan socieity o babalik na lamang sa bansang pinagmulan.

Paglilinaw ng nasabing limang bansa na ang plano na pagpapadala ng mga migrants sa ibang bansa ay base sa nakasaad sa batas ng European Union at international law subalit kontra dito ang human rights bodies dahil ito ay lumalabag sa kanilang migrant rights.