Target ng Philippine National Police (PNP) na maaresto ang nasa 300,000 na mga wanted persons sa bansa.
Ayon kay PNP chief General Jose Melencio Nartatez Jr, na sa nagdaang 14 na buwan ay aabot sa 200,000 na mga wanted persons ang kanilang naaresto.
Nais nilang tuluyang maging zero ang database ng mga wanted persons.
Para maisakatuparan ito ay mas dinoble ng PNP ang kanilang operations, intelligence gathering at koordinasyon sa ilang mga law enforcement agencies.
Giit ni Nartatez na hindi lamang sila dapat makuntento sa pagbawas ng backlogs dahil ang target nila ay wala ng mga backlogs.
Sa kada buwan aniya ay mayroong 14,000 na warrant of arrest ang kanilang naisisilbi.
Nagpapakita lamang ito na walang tigil ang kapulisan sa pagtugis sa mgamay pananagutan sa batas.















