-- Advertisements --
Opisyal ng nakapasok sa listahan ng Forbres billionaires list ang dating The Beatles member na si Paul McCartney.
Ayon sa Forbes na mayroong kabuuang yaman ang singer ng aabot sa $1.4- bilyon.
Siya ngayon ang pangatlong pinakamayaman na musicians sa mundo.
Pinangunahan ni Jay-Z ang listahan na mayroong $2.8-B habang si Taylor Swift ay mayroong yaman na $2-B.
Karamihan sa yaman nito ay galing sa kaniyang music publishing business na MPL Communications na kaniyang itinaguyod noong 1969 ilang buwan bago magkawatak-watak ang The Beatles.















