-- Advertisements --

Nakasama na sa billionaires list ng Forbes Magazine ang sikat na singer na si Beyonce.

Ayon sa Forbesnasiya na ang pang-limang musicians na nasa listahan ng billionaires list na kinabibilangan ng asawa nitong si Jay-Z, Taylor Swift, Bruce Springsteen at Rihanna.

Naging susi sa yaman ni Beyonce ang tagumpay ng kaniyang World Tour na kumita ng $600 milyon.

Inilabas din nito ang album noong 2024 na nagwagi ng Grammy bilang best country album na “Cowboy Carter”.

Itinuturing siya bilang pangatlong highest-paid musician sa buong mundo na may halagang $148-M.

Hindi naman na binanggit pa ng Forbes kung magkano ang kabuuang yaman ng 44-anyos na dating miyembro ng Destiny’s Child.