-- Advertisements --
Muling nagsama-sama sa pambihirang pagkakataon ang original member na girl group na Destiny’s Child.
Isinagawa ang surpresang pagsasama sa huling “Cowboy Carter” tour ni Beyonce sa Las Vegas, Nevada.
Sa social media account ng singer na ay ibinahagi ang pagsama-sama nila ng original member na sina Kelly Rowland at Michelle Williams sa stage.
Iknatuwa ng mga fans ang nasabing pagsasama ng grupo.
Huling nagsama ang grupo ay noong 2018 ng surpresang dumalo sa sina Michelle at Kelly sa Coachella performance ni Beyonce.
Ang grupo ay sikat na girl group noong 1990 kung saan pinasikat nila ang mga kantang “Survivor”, “Say My Name” at maraming iba pa.