Hinamon ng Palasyo si Senator Alan Peter Cayetano na kung maari ay maging modelo sa pag-donate ng P170,000.
Ito ay matapos na imungkahi ng Senador sa Bangko Sentral ng Pilipinas at Department of Finance para magkaroon ng mekanismo na mabayaran ang utang ng Pilipinas.
Sinabi ni Palace Press Officer Claire Castro , na boluntaryo ang sinabi nito kaya mahirap din na gumawa kung ito ay mandatory.
Dagdag pa nito na dapat ay pasimunuan ng Senador ang nasabing hakbang para maipakita na mayroon itong mabuting kalooban.
Giit pa ni Castro na dahil sa ito ang ideya ng Senador kaya dapat ay gumawa agad ito ng panukalang batas.
Magugunitang iminungkahi ng Senador na para mabayaran ang utang ng Pilipinas na P19.66 trillion ay nangangahulugan na bawat Pilipino ay mayroong pagkakautang ng P170,598.03.















