Umakyat na sa P19.66 trilyon ang kabuuang utang ng pambansang pamahalaan hanggang sa katapusan ng Setyembre 2026, batay sa datos ng Bureau of the Treasury.
Inilahad ni Senador Alan Peter Cayetano ang nasabing halaga sa deliberasyon ng panukalang P7.2 trilyong national budget para sa fiscal year 2027 nitong Lunes, Nobyembre 23.
Kaugnay nito, iminungkahi ng mambabatas na magtatag ang gobyerno ng isang mekanismo para sa mga mamamayang nais tumulong sa pagbabayad ng utang ng bansa.
Batay sa kanyang pagtaya, pumapatak sa P170,598.03 ang magiging bahagi ng bawat Pilipino kung paghahati-hatian ang pambansang utang noong Agosto 2026.
Ginawa niyang halimbawa ang South Korea, kung saan nag-ambag umano ng mga gintong kagamitan ang mga mamamayan nito sa kanilang pamahalaan noong kasagsagan ng 1997 Asian Financial Crisis.














