-- Advertisements --
Lumago nang halos 30 porsyento ang produksyon ng gatas sa Pilipinas sa unang siyam na buwan ng 2026, ayon sa datos ng National Dairy Authority (NDA).
Mula sa 31.97 million liters noong nakaraang taon, umakyat sa 41.46 million liters ang kabuuang dairy production mula Enero hanggang Setyembre.
Iniugnay ang pagtaas na ito sa malawakang paglago ng suplay ng gatas mula sa mga baka, kalabaw, at kambing sa bansa.
Patuloy namang pinalalakas ng pamahalaan ang lokal na industriya ng pagawaan ng gatas upang matugunan ang pangangailangan sa merkado at mabawasan ang pag-asa sa importasyon.
Inaasahang magpapatuloy ang magandang takbo ng produksyon hanggang sa pagtatapos ng taon dahil sa suporta sa mga lokal na magsasaka at dairy cooperatives.













