-- Advertisements --

Nais ni Pa Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na palakasin ang dairy products sa bansa. Ito’y matapos pasinayaan ng Pangulo ang Farm Fresh Milk Plant sa San Simon, Pampanga.

Layon nito palakasin ang lokal na industriya ng gatas, bawasan ang pag-asa sa imported dairy products, at lumikha ng mas maraming trabaho para sa mga Pilipino.

Ayon sa Pangulo, mahalaga ang gatas sa kalusugan, nutrisyon ng kabataan, at sa industriya ng pagkain. Dagdag niya, makakatulong ang bagong planta na makapagproseso ng 32 milyong litro ng gatas at 2.4 milyong litro ng yogurt kada taon.

Ang planta ay proyekto ng Farm Fresh Milk Inc., isang subsidiary ng Malaysian dairy company na Farm Fresh Berhad, na may ₱312.5 milyong puhunan.

Pinagtibay din ng Pangulo ang suporta ng pamahalaan sa Dairy Industry Development Program na nagbibigay ng hayop, pautang, at training sa mga magsasaka.

Siniguro ng Pangulo na suportado ng kaniyang administrasyon ang industriya ng dairy.