Umabot sa 148 katao ang na-stranded sa pitong pantalan sa Masbate matapos ang pananalasa ng Severe Tropical Storm Opong at pinalakas na Habagat, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG) nitong Linggo.
Kabilang sa mga stranded ay mga pasahero, driver, at pahinante. Sa kabuuan, 62 rolling cargoes at 12 barko ang nananatili sa mga pantalan, habang 40 iba pang barko at apat na motorbanca ang nagsisilbing nakasilong.
Ayon kay PCG Spokesperson Capt. Noemie Guiaro-Cayabyab, nakalift na ang suspensyon ng biyahe sa katubigan ngunit marami sa mga mangingisda at maliliit na bangka ang hindi pa rin pumapalaot dahil sa sama ng panahon.
Patuloy ding mino-monitor ng PCG ang mga pantalan sa Bulalacao, Pola, at Looc sa Southern Tagalog, habang nailigtas naman ang 12 mangingisda sa hiwa-hiwalay na insidente.