-- Advertisements --

Iginiit ni Philippine Coast Guard (PCG) Spokesperson para sa West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela na hindi siya hihingi ng paumanhin sa paggamit ng caricature ni Chinese President Xi Jinping, sa kabila ng sigalot kaugnay ng West Philippine Sea.

Ito ay matapos igiit ni Senador Alan Peter Cayetano na dapat humingi ng sorry si Tarriela dahil sa “di-kaayaayang” larawan.

Sa panayam, ikinumpara ni Tarriela ang paggamit ng caricature sa agresyon na ipinakita ng China sa West Philippine Sea laban sa mga mangingisda at barko ng PCG.

Binigyang-diin din ni Tarriela na ginamit lamang ang caricatures sa classroom setting, hindi sa opisyal na pahayag o press conference.

Dagdag pa niya, habang pinilit siya ni Cayetano na humingi ng paumanhin, hindi umano hiniling ng senador sa China na humingi ng sorry sa harassment sa mga Pilipinong mangingisda at barko ng Pilipinas. (report by Bombo Jai)