-- Advertisements --

Kinumpirma ng Department of Justice na ‘submitted for resolution’ na ang reklamong ‘malversation’ na kinakaharap ni former Sen. Bong Revilla Jr.

Ito mismo ang ibinahagi ni Atty. Polo Martinez, ang tagapagsalita ng naturang kagawaran sa panayam sa kanya hinggil sa reklamo.

Kung saan susuriin o pag-aaralan pang maigi ng prosekusyon ang hindi pa pinal na resolusyon upang matukoy kung anong hakbang gagawin sa reklamo.

Posible kasing lumabas sa resolusyon at desisyon nito na isampa bilang kaso ang naturang reklamo o di’ kaya’y ibasura at hindi na iakyat sa kaukulang korte.

Ibinahagi pa ng tagapagsalita na ang nabanggit na ‘malversation case’ laban sa dating senador ay may kaugnayan sa maanomalyang proyekto konektado sa kumpanyang SYMS Construction Trading.

Dagdag niya’y bahagi ang reklamo sa unang batch ng ‘limang kaso’ inihain sa Department of Justice.

Ang tatlo raw dito ay kasalukuyang ‘pending for release’ pa ayon kay Justice Spokesperson Atty. Martinez.

Habang ang ‘malversation complaint’ laban kay former Sen. Revilla nama’y ‘pending review’ na.

Subalit sa kabila nito’y wala ng tiyak na petsa na ibinahagi si Atty. Martinez kung kailan lalabas ang pinal na resolusyon ng prorekusyon ukol sa reklamo.

Ani pa Justice Spokesperson Atty. Polo Martinez na noong ika-12 pa ng nakaraan buwan ng Enero sa kasalukuyang taon ‘submitted for resolution’ na ang malversation case laban sa dating mambabatas.

Kaugnay ntio’y ibinahagi ng opisyal na ang ‘timeline’ na tinitingnan rdito ay 60-araw mula nang maihain ang reklamo bago tuluyang iresolba ng prosekusyon.

Ngunit paglilinaw ng tagapagsalita na ang mga na kasong may kinalaman sa korapsyon sa flood control ay hindi naman magkakasabay isinumite sa kagawaran.

Tatlong batches aniya nang ito’y dumating sa Department of Justice na may magkakaibang oras at petsa ng pagkakasampa.

Si former Senator Bong Revilla Jr. ay nahaharap ngayon sa patung-patong na mga reklamo at kaso hindi lamang sa Department of Justice kundi maging sa ibang korte na mismo.

Sa kagawaran, kanyang kinakaharap ang mga reklamong ‘malversation’ kasama pati ‘plunder case’ dahil sa pagiging sangkot umano nito sa korapsyon sa flood control.

Kasalukuyan siyang nasa pangangalaga ng Bureau of Jail Management and Penology at nakadetene sa New Quezon City Jail sa Payatas, lungsod ng Quezon.