-- Advertisements --

Ikinadismaya ng ilang grupo ang ilang pahayag mula sa opisyal ng pamahalaan nagsasabing isuko na lamang bahagi ng teritoryo ng bansa.

Naniniwala anila sila na ang mga pag-atake o pag-kwestyon sa legal na posisyon ng Pilipinas ay hindi maaring palagpasain.

Ang mga pahayag raw kasing direktang kumokontra sa Philippine Coast Guard at Armed Forces of the Philippines ay nakapagpapahina para maipagtanggol ng bansa ang karapatan nito.

Maaring makaapekto anila ito lalo na sa pananaw at ilalim ng internasyunal na batas sa pagprotekta ng soberanya ng Pilipinas sa usapin teritoryo.

Kung saan maituturing anila itong malinaw na pagtalikod sa interes ng bayan sa panawagan i-urong o isuko ang bahagi ng teritoryo nito.

Patungkol sa pahayag ng ilang mambabatas tulad ni Sen. Rodante Marcoleta ay dapat hindi ipagsawalang bahala ani Dr. Jose Antonio Goitia, chariman emeritus ng Filipinos Do Not Yield Movement at iba pang civic society groups.

Saad niya’y ang patuloy na pagkwestyon sa mga karapatang pandagat ng bansa ay naglalagay sa alangin ang pambansang interes na dapat raw ay malinaw at may paninindigan.

Alinsunod rito’y mariin nilang pahayag na hindi maituturing pagiging agresibo ang ipagtanggol lamang ang soberanya ng bansa lalo na sa pilit inaangkin teritoryo.