Mayroon na ring inisyal na pag-uusap ang Liberal Party kaugnay sa nalalapit na 2028 Presidential and Local Elections.
Ayon kay Liberal Party President Erin Tañada, bagaman wala pang napipiling kandidato ang partido, tinutukoy na ng grupo ang mga maaaring kakatawan sa partido at sa united opposition para sa 2028 elections.
Bahagi ng mga pagpupulong ay ang paglalatag ng ilang parameters na dapat maabot o mapagdaanan ng mga miyembro ng partido na nais lumahok o kumatawan sa oposisyon.
Sa ngayon ay nagkakaintindihan ang party leaders aniya na dapat ay mayroon lamang iisang kandidato na susuportahan nito. Ganito rin ang sentimiyento ng iba pang grupo na sa ngayon ay nakakaisap na ng LP.
Ayon kay Tañada, posibleng sa ikatlo o huling quarter ng kasalukuyang taon ay posibleng mapili na ang kakatawan sa oposisyon (LP atbpang partido).
Nanindigan ang dating mambabatas na kailangang maging inklusibo ang pagpili at maikunsidera ang lahat ng salik tulad ng pangangampaniya, boto, atbpa.
Batid aniya ng oposisyon ang saklaw ng kandidatura ni VP Sara, kasunod ng kaniyang naunang deklarasyon, ilang araw na ang nakakalipas.
















