-- Advertisements --

Ginunita ng supporters ang isang dekadang anibersaryo ng makasaysayang tagumpay ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

Idinaos ito ng mga tagasuporta ni dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa kanyang puntod.

Matatandaang si Aquino ang pangunahing arkitekto ng kasong isinampa laban sa China noong 2013 na humantong sa desisyon ng Permanent Court of Arbitration noong Hulyo 12, 2016.

Sa naturang desisyon, ibinasura ang “nine-dash line” claim ng China at kinilala ang karapatan ng Pilipinas sa loob ng 200-nautical-mile Exclusive Economic Zone.

Pinangunahan ng Ninoy and Cory Aquino Foundation at Liberal Party ang programa na sinimulan sa pamamagitan ng banal na misa.

Nanawagan si LP President Erin Tañada na gawing pambansang araw ng pagninilay ang Hulyo 12 upang manatiling buhay ang kahalagahan ng tagumpay.

Sa huli, ipinaalala ng mga lider at mangingisda na ang pamana ni Aquino ay patunay na kahit maliit na bansa ay kayang ipaglaban ang karapatan sa pamamagitan ng batas at diplomasya.