-- Advertisements --

Itinanggi ni Vice President Sara Duterte, ang mga lumabas na ulat na nag-uugnay sa kaniya sa umano’y pagmamay-ari ng mga fast-food franchise.

Lumabas ang usapin kasunod ng mga testimonya at mga rekord mula sa Securities and Exchange Commission sa kaniyang impeachment trial na nag-uugnay sa kaniya sa GenCorp Inc. at Metro City Chowfoods.

Nilinaw ng Bise Presidente na naglagak lamang siya ng pamumuhunan sa isang lehitimong kumpanya na pinatatakbo ng mga taong may magandang reputasyon sa negosyo.

Iginiit niya na ang pagpumuhunan sa isang korporasyon ay hindi nangangahulugang siya na ang nagmamay-ari o namamahala sa mga indibidwal na franchise nito.

Binatikos din ni Duterte ang tinawag niyang disinformation campaign na nagdudulot lamang umano ng hindi makatarungang pinsala sa reputasyon ng mga lehitimong negosyo.