-- Advertisements --

Ipinagtanggol ng Malacañang ang National Bureau of Investigation (NBI) matapos nitong i-refer sa Office of the Ombudsman ang ulat ng imbestigasyon sa umano’y hindi pagdedeklara ng ilang ari-arian ni Vice President Sara Duterte.

Ayon sa Palasyo, alinsunod sa mandato ng NBI ang pagsasagawa ng imbestigasyon at pagsusumite ng ulat sa Ombudsman. Binigyang-diin niyang hindi awtomatikong nangangahulugan ng political attack ang pagpapakita ng ebidensiya o posibleng anomalya na kinasasangkutan ng isang opisyal.

Ito ay kasunod ng pahayag ng kampo ni Duterte na umano’y may koordinadong hakbang ang pamahalaan upang sirain ang bise presidente.

Samantala, tiniyak ng Ombudsman na hiwalay at walang bahid-pulitika nitong hahawakan ang usapin.