-- Advertisements --

Nagpahayag ng kahandaan si Batangas Rep. Gerville Luistro na ipasakamay sa Office of the Ombudsman ang lahat ng mga dokumentong nalikom sa Article I ng impeachment case vs VP Sara Duterte.

Ito ay kasunod ng paghingi ni Ombudsman Jesus Remulla ng kopya ng mga naturang dokumento, kasabay ng plano nitong isasagawang pagsisiyasat.

Sa isang panayam, sinabi ni Luistro na handa ang buong panel na pormal na ipasakamay ang mga ebidensiya, testimoniya, atbpang nalikom na dokumento sa Tanodbayan, para sa isasagawa nitong pagsusuri.

Sa katunayan aniya, bago pa man nagpahayag si Remulla ng kaniyang interest sa mga naturang dokumento, dati nang napag-usapan ng panel ang posibilidad na magamit ang mga nalikom na ebidensiya sa isang pormal na imbestigasyon.

Sa ngayon, inaasayos na rin aniya ang mga naturang record na posibleng i-endorso sa hinaharap.

Maliban sa mga dokumentong may kaugnayan sa confidential funds, handa rin ang records sa dalawang iba pang article na bahagi ng impeachment complaints: bribery allegations at ang threat article, ayon pa rin kay Luistro.

Kung hihingin aniya ng Ombudsman ang mga naturang record, maaari ring ipasakamay ang mga ito sa naturang opisina para sa kaukulang imbestigasyon.