-- Advertisements --

Inanunsyo na ng Judicial and Bar Council sa pamamagitan ng Korte Suprema ang listahan ng mga kandidato sa pagka-Chief Justice ng Kataas-taasang Hukuman. 

Base sa inisyung listahan ng naturang konseho, mayroon limang kandidato ang nais maging susunod na punong mahistrado.

Kabilang dito sina,

  • Senior Associate Justice Marvic Leonen
  • Associate Justice Alfredo Benjamin Caguioa
  • Assiociate Justice Rodil Zalameda
  • Associate Justice Japar Dimaampao
  • Associate Justice Jose Midas Marquez

Bukod sa listahan ng mga kandidato, inilabas na din ng Judicial and Bar Council maging ang skedyul ng magaganap na ‘public interviews’. 

Ito’y gaganapin sa darating na Oktubre 22, at Oktuber 26 ng kasalukuyang taon 2026. 

Alinsunod ang anunsyo ng JBC sa pagreretiro ni Supreme Court Chief Justice Alexander Gesmundo sa darating na ika-6 ng Nobyembre.

Kung sakali man, ang susunod na maitatalagang punong. mahistrado ay siyang magiging ika-28 ‘chief justice’ na uupo sa pinakamataas na posisyon ng Kataas-taasang Hukuman.