Mariin itinanggi ni Ombudsman Boying Remulla ang alegasyon may ‘political persecution’ ang ginagawang imbestigasyon kina Sen. Loren Legarda at Batangas 1st Dist. Rep. Leandro Leviste
Naniniwala siyang malinaw ang ‘conflict of interest’ kinasasangkutan ng dalawang mambabatas sa isyu ng pagbebenta ng kumpanya at iba pa.
Kanya pang binigyang diin na malayong sabihin na mayroon pamumulitika sa kaso sapagkat hindi naman aniya sila nag-iimbento lamang.
Magugunitang nasasangkot sina Senador Loren Legarda at Rep. Leandro Leviste sa sinasabing Solar Firm nito na bigo umanong tuparin ang obligasyon ‘Solar Energy’ para sa Pilipinas alinsunod sa nakuhang prangkisa.
Kasabay sa kinakaharap na alegasyon, patuloy pa ring nananatili ‘abroad’ o wala sa loob ng bansa ang mag-inang mambabatas.
Si Rep. Leviste na tanging ang paalam sa Kamara ay hanggang noong ika-24 ng Setyembre lamang.
At Senador Legarda na ilang ulit nagpa-extend ng kanyang ‘medical leave’ sa Senado simula nang umalis ng Pilipinas noon pang Agosto.














