-- Advertisements --
Pinayagan nang makalabas sa Gemelli Hospital si Pope Leo XIV matapos makumpirma ng kanyang mga doktor na maayos ang kanyang kalagayan.
Ayon sa Holy See Press Office, isinailalim ang Santo Papa sa mga pagsusuri sa dugo at chest X-ray nitong Sabado ng umaga na nagpatunay na maaari na siyang ma-discharge.
Inaasahan siyang babalik sa Vatican sa Sabado ng hapon at pangungunahan ang pagdarasal ng Angelus mula sa bintana ng kanyang apartment sa Linggo.
Matatandaang noong Oktubre 11, 2026, iniulat ang pagkakadiskubre ng nodule o maliit na bukol sa kanyang baga sa isinagawang regular na medical examination.














