-- Advertisements --

Isinumite na ng National Bureau of Investigation sa Office of the Ombudsman ang naging resulta ng kanilang pag-iimbestiga ukol sa umano’y ‘misdeclarations’ sa SALN o Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth ni Vice President Sara Duterte. 

Sa panayam kay NBI Director Atty. Melvin Matibag kanyang kinumpirma ang pagturn-over ng imbestigasyon ng kawanihan sa tanodbayan. 

Kapansin-pansin ang buhat ng mga ‘NBI Agents’ na kahun-kahong ebidensya kaugnay sa sinasabing ari-arian ng ikalawang pangulo na ‘misdeclared’ sa kanyang SALN. 

Kaya’t ayon sa direktor, nasa Office of the Ombudsman na ang hurisdiksyon para sa pagpapatuloy ng imbestigasyon hinggil sa naturang kaso. 

Mas mainam aniyang tanodbayan na ang mag-isyu ng ‘subpoena’ at hindi na sila kung inaantay lamang ng bise presidente na siya’y maipatawag. 

Ayon kay NBI Dir. Matibag, may kinalaman ang ipinasang ‘referral’ partikular sa idineklarang ‘agricultural land’ ng ikalawang pangulo na aniya’y mayroon pang ‘helipad’. 

Batay kasi sa naging imbestigasyon ng kawanihan, lumalabas na meron ‘undeclared properties’ si Vice President Sara Duterte sa kanyang SALN.