-- Advertisements --
Tiniyak ng Office of the Ombudsman na magiging patas ang kanilang gagawing imbestigasyon sa referral ng National Bureau of Investigation (NBI) sa umanoy missing declaration ng Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) ni Vice President Sara Duterte.
Ayon sa Ombudsman, na natanggap na nila ang referral ng NBI at nasisiguro nila sa publiko na hahawakan nila ng walang kulay pulitika ang kaso.
Sasailalim sa initial evaluation para malaman ang karampatang hakbang kabilang ang mas malalim na imbestigasyon.
Magugunitang noong Martes, ay ini-refer ng NBI sa Ombudsman ang kanilang fact-finding investigation report sa SALN ni Duterte.















