Pinabagsak ng Houston Rockets ang Oklahoma City Thunder sa pagharap ng dalawa sa preseason game ngayong araw (Oct. 16), 116-89.
Hindi umubra ang pagkababad ni Thunder star Shai Gilgeous-Alexander para agawin sana ang panalo dahil na rin sa napakaraming turnover na ginawa ng kaniyang koponan. Umabot sa 17 turnover ang ginawa ng OKC na naging malaking bentahe ng Houston.
Dahil sa mahigpit na depensa ng Houston, nagawa nitong ipabalikat sa 2025 NBA champion ang 13 big steals, karamihan dito ay sa clutch time ng laban.
Kontrolado ng winning team ang laban mula simula hanggang sa pagtatapos ng match, sa kabila pa ng pagtatangka ng OKC na bumawi sa kalagitnaan ng laban. Sa huli, tinapos ng Houston ang laban hawak ang 27-point lead.
Nanguna sa panalo ng Rockets ang sentrong si Alperen Sengun na gumawa ng 14 points, 7 rebounds, limang assists, dalawang block, at isang steal. Nagdagdag naman ng 12 points, limang rebounds, at apat na assists ang bagitong guard na si Amen Thompson.
Para sa OKC, umabot sa 17 points ang naipasok ng dating Finals MVP na si Shai habang 18 points naman ang ibinulsa ng forward na si Jalen Williams.
Ito na ang ikaapat na pagkatalo ng Thunder ngayong preseason habang iisa pa lamang ang panalo ng koponan. Hawak naman ng Rockets ang 2-1 na win-loss records















