Binalewala ni Sen Vicente “Tito” Sotto III ang alegasyong tumanggap siya ng mga maletang umano’y naglalaman ng pera mula sa isang sinasabing bagman na sangkot sa kontrobersiya sa flood control projects.
Ito ay matapos tumestigo si Rodante Orbillo sa Sandiganbayan na naghatid umano siya ng mga maletang may lamang pera kina Sotto, dating mambabats Stella Quimbo at dating senador Antonio Trillanes IV. Inilahad ang mga alegasyon sa bail hearing ni dating House Speaker Martin Romualdez kaugnay ng kasong plunder na nagkakahalaga ng P7.44 bilyon.
Samantala, tiniyak ni Sotto na hindi papayagan ng Senado na gamitin ang panukalang 2027 national budget upang impluwensiyahan ang magiging desisyon sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Ayon sa senador, magkaibang usapin ang budget deliberations at impeachment proceedings. Binigyang-diin din niya ang pangangailangan ng masusing pagsusuri at transparency sa pagtalakay at pagpasa ng pambansang budget.
















