-- Advertisements --
Humingi na ng paumanhin si House impeachment prosecutor Rep. Gerville Luistro kay Senate President Sherwin Gatchalian matapos ang pagkalat ng ‘wacky-posed’ na larawan ng Prosecution matapos ang ika-39 na araw ng Impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Sinabi ni Sen.Gatchalian na bukod sa nasabing larawan ay kaniyang iimbestigahan din ang umano’y pagsasayaw ng ilang abogado at vlogger sa hallway ng Senado.
Ayon kay Gatchalian na ang Senado at session hall ay itinuturing na Sagradong lugar dahil dito ginagawa ang mga mahahalagang batas.
Nanawagan ang Senate President na dapat ito respetuhin at hindi tama na gawing katawa-tawa ang nasabing institusyon.














