-- Advertisements --

Nagbabala si Vice President Sara Duterte sa posibilidad na gamitin ang panukalang 2027 National budget upang impluwensiyahan ang mga Senador na magsisilbing hukom sa kanyang Impeachment trial at gantimpalaan ang mga kongresistang bumoto pabor sa kanyang impeachment.

Hinamon din ni Duterte ang House prosecution panel na magharap ng matibay na ebidensiya laban sa kanya.

Ipinagtanggol niya ang kanyang lead counsel na si Atty. Sheila Sison matapos ang mainitang pagtatalo sa pag-withdraw ng tatlong impeachment articles.

Pinayagan ng Senate Impeachment court ang pag-withdraw sa Articles I, III at IV, kaya article II na lamang ang natitira.

Saklaw nito ang mga alegasyon ng unexplained wealth, hindi pagsisiwalat ng mga ari-arian at kabiguang mag-divest ng business interests.

Samantala, nanawagan sina Senators JV Ejercito, Joel Villanueva at Bong Go na mabigyan ang depensa ng pagkakataong tumugon sa mga alegasyong saklaw ng mga binawing artikulo. Binigyang-diin nila ang kahalagahan ng due process at patas na pagdinig.

Itinanggi naman ng Malacañang ang pakikialam ni Pangulong Ferdinand Marcos jr. sa desisyon ng prosekusyon.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, nasa prosekusyon ang pagpapasya kung aling ebidensiya ang pinakamalakas nilang ihaharap.