Umabot na sa 218 lokal na pamahalaan (LGU) ang nagdeklara ng State of Calamity nitong Huwebes, Oktubre 15, 2026, dahil sa matinding tagtuyot o El Niño, ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Sa mga apektadong lugar, pinakamarami ang mula sa BARMM na may 108 LGU, sinundan ng Region II na may 66 at Caraga na may 23. Kabilang din sa mga nagdeklara ang 12 LGU sa Region V, 4 sa CALABARZON, 2 sa CAR, 1 MIMAROPA, Region VIII- 1 at Region XII.
Batay sa datos, 3,398 barangay ang apektado, na katumbas ng 247,640 pamilyang binubuo ng 622,318 indibidwal. Karamihan sa mga apektado ay mga magsasaka at mangingisda na umaasa sa agrikultura at pangingisda para sa kanilang kabuhayan.
Samantala, umabot na sa mahigit P700 milyon ang kabuuang halaga ng humanitarian assistance ng DSWD. Pinakamalaki ang natanggap ng Region II, na nagkakahalaga ng P732 milyon, dahil kabilang ang Cagayan at Isabela sa mga lugar na matinding tinamaan ng tagtuyot.















