-- Advertisements --
Patay ang nasa 32 na mga bata matapos na gumuho ang bubong ng kanilang paaralan sa northern Pakistan.
Itinuturong dahilan ng pagbagsak ng bubong ang walang humpay na pag-ulan.
Nagresulta ito sa pagbagsak ng bubong ng Al Khair Public School sa lungsod ng Peshawar.
Ang mga biktima ay may edad mula anim hanggang 14 na taon habang kasama sa nasawi ang 25-anyos na babae.
May ilang mga mag-aaral ang na-trap sa loob ng gumuhong gusali na agad namang nailabas ng mga tao.
Aabot naman sa 50 na mga bata ang nasugatan sa nasabing insidente.
Inaresto ng mga otoridad ang may-ari ng paaralan habang nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga otoridad.









