-- Advertisements --
Tiniyak ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon na sasailalim sa masusing pagsusuri ang bersyon ng Kamara para sa 2027 national budget.
Giit ni Dizon, hindi nila papayagan ang paglalaan ng pondo sa mga proyekto nang walang sapat na dokumentasyon.
Makikipagtulungan din ang DPWH sa People’s Budget Coalition sa pagsusuri ng panukalang pambansang pondo.
Una nang kinuwestiyon ng grupo ang bilyun-bilyong pisong halaga ng mga lokal na proyektong pang-imprastruktura na umano’y isinisingit ng ilang mambabatas sa Kamara. Nasa mahigit Php 180B ang idinagdag sa naturang ahensya.
Sa ngayon nasa Php 644B ang pondong naaprubahan ng House of Representatives para sa DPWH sa taong 2027.
















