Aabot sa P1.107 trillion ang ilalaang budget para sa education sector sa susunod na taon, batay sa inaprubahan ng House of Representatives na panukalang pambansang pondo, sa 2nd reading.
Ayon kay House Committee on Appropriations Chairperson Rep. Mikaela Angela B. Suansing, nananatiling pangunahing prayoridad ng Kamara ang edukasyon sa 2027, tulad ng pagprayoridad dito, taon-taon.
Sa ilalim pa ng panukalang pondo, naglaan din ng karagdagang P10.055 bilyon para sa mga programang pang-edukasyon, kabilang ang tulong pinansyal sa mga mag-aaral at pagpapahusay ng mga pasilidad ng paaralan.
Ayon pa kay Suansing, batid ng Budget Amendments Review Subcommittee (BARSc) (BARSc) ang kahalagahan ng paglalaan ng sapat na pondo para sa edukasyon upang masiguro ang kalidad, ligtas, at maayos na edukasyon para sa mga mag-aaral mula elementarya hanggang sa post-graduate studies.
Maliban sa pagpapanatili sa sapat na pondo para sa edukasyon, pinapalawak din aniyaang access ng mga Pilipino sa mahahalagang serbisyong pangkalusugan.
Sa approbadong pondo, nadagdagan ng P12.23 bilyon ang badyet para sa kalusugan – daan upang umabot sa P358.82 billion ang pondo para sa sector ng kalusugan sa susunod na taon.
Kabilang dito ang P23.97 bilyon para sa Medical Assistance Program. Ang naturang programa ay inaasahang magpapalawak sa tulong medikal at maibsan ang gastusin ng mga pasyente at kanilang pamilya.















