-- Advertisements --

Nanindigan si Nueva Ecija Rep. Mikaela Angela Suansing na wala ng nakasingit ng pork barrel sa panukalang 2027 national budget o House of Representatives’ General Appropriations Bill (GAB).

Taliwas ito sa puna ng mga progresibong grupo at mga budget observers.

Giit nito na wala ng anumang pork barrel maging ang Local Government Support Fund (LGSF) .

Itinuturing kasi ng mga oposisyon na ang LGSF bilang “President’s Pork” dahil sa ito ay maaring tawaging discretionary fund.

Subalit sinabi ni Suansing na ito ay itinuturing ng Department of Budget and Management na hindi ito isang uri ng pork barrel.